Friday, August 3, 2018

Filipino: Wika ng Saliksik (Isang Sanaysay)



Ang wikang Filipino ay ang lengguwaheng nagbubuklod-buklod sa lahat ng mga Pilipino. Ang pagsapit ng buwan ng Agosto kada taon ay nagtatakda na bigyang pansin ang importansya ng wikang Filipino at ang kulturang nagbibigay ng ating pagka-sino. Ngunit sa taong ito, ano nga ba ang tunguhin ng tema ng Buwan ng Wika 2018? 

Ang tema ay kumikilala sa wikang Filipino bilang midyum sa paglikha at pagpapalaganap ng pambansang karunungan at kaunlaran lalo na sa agham at matematika. Habang ang wikang Filipino naman ay ang ating pambansang wikang kinikilala at ginagamit bilang pambansang kasangkapan sa pagkakaunawaan ng bawat Pilipino. Ngunit sa pagnanais nating maging matalino at matatas sa iba pang wika, unti-unti ng natatabunan ng iba pang mga lengguwahe ang wikang Filipino. Sa naisin rin nating bumagay sa iba di natin naisip na maaring mailayo tayo sa ating kapwa Pilipino dahil lang sa pagtangkilik natin sa iba pang lengguwahe sa kadahilanang di naman lahat ng tao dito sa Pilipinas ay bihasa sa mga ito. Oo nga't mahalaga ang pag-aaral sa iba't iba pang wika para mas mapadali ang ating pakikipag-usap sa mga taong mula sa ibang lugar o kung tawagin ay foreigners, ngunit di naman kailangan na sa bawat oras ay gagamitin natin ang mga ito. Mas mainam na gamitin ang sarili nating wika kung sa kwapa Pilipino lang naman tayo makikipag-usap upang mas mahasa pa ang ating kakayahan sa pananalita nito at upang mas mapadali na rin ang komunikasyon. Sa pananaliksik gamitin ang wikang Filipino upang mas mapabilis ang paghahanap ng mga impormasyon sapagkat pag ginamit ang wikang Filipino napapadali ang ating pakikipanayam sa mga tao. Sa pagprepresenta din ng mga datos na nakalap, mas mainam na gamitin ang wikang Filipino sapagkat di lahat nga iyong mga tagasubaybay ay matatas sa ibang lengguwahe. Hindi madaling pag-aralan ang wikang Filipino sapagkat kahit simpleng kaibahan lang ng kung at kong eh di na matukoy ng iba, kaya dapat lang na bago natin pag-aralan ang iba pang mga wika'y pagtuunan muna natin ng pansin ang paglinang sa ating pagsasalita at pagsusulat sa wikang Filipino. 

Parte na ng pang-araw araw na buhay ng tao ang pannanaliksik tulad na lang ng wikang tagalog na gumaganap ng malaking parte sa ating buhay. Kailangan natin ang dalawang ito upang mas maging bihasa pa lalo tayo sa sarili nating wika. Lagi rin sana nating tandaan na ang sariling wika'y duyan ng karunungan na dapat nating pagningasin tungo sa kaunlaran.

References:

6 comments:

Last Blog, Last Quarter!

               School year's almost done! This grading  there were lots of classes interruption but even though there's lots of it w...