Tuesday, November 20, 2018

Pamilya at Kapwa ≠ Gadgets at Technology




          Sa patuloy nating pag-unlad pati ang teknolohiya'y di maipagkakailang umunlad rin. Mula sa mga simpleng keypad phones noon hanggang sa mga komplikadong touchscreen phones ngayon. Mula sa abacus hanggang sa scientific calculator. Diba? Ang layo na ng narating ng mga simpleng bagay noon. Oo nga't napadali ng mga ito ang ating pang-araw-araw na pamumuhay pero di naman lingid sa ating kaalaman na sanhi rin ito ng ating pagkakalayo sa ating mga kaibigan at mga mahal sa buhay.

          Sa totoo lang pati ako ay talaga namang naaadik sa mga gadgets at sa mga iba't ibang social media sites. Halos ginugugol ko na ang aking araw sa panunood ng iba't ibang mga pwedeng panoorin online na pati yung mga bagay na kailangang-kailangan kong gawin ay naisasantabi ko.  At diyan pa lang masasabi ko ng masama na ang epekto nito sa akin. Palagi rin akong pinagsasabihan ng lola ko na dapat daw akong lumabas sa bahay kasi di habang buhay ay ang cellphone at internet ang kakailanganin ko.

          Laking pasasalamat ko na lang din sa pagdiriwang ng ESP Month ngayong buwan na ito dahil sa kanilang tema na 'Mapanuring Paggamit ng Gadget: Tungo sa Mapagkalingang Ugnayan sa Pamilya at Kapwa' na nagnanais bawasan ang ating paggamit ng mga gadget upang makapaglaan tayo ng mas maraming oras para sa ating mga kaibigan, pamilya at kapwa.

          Walang duda na napapadali ng mga makabagong teknolohiya't mga agdget ang ating buhay ngunit iba pa rin talaga ang kasiyahang dulot ng mga oras na kasama natin ang ating mga kaibigan at mahal sa buhay. Kaya nama'y sana dahil sa tema ng ESP Month ngayon ay magising na tayo't simulan na natin ang paggawa ng mga memoryang tatatak sa ating mga isipan kasama ng ating kapwa kasi ika nga nila, di mo na maibabalik pa ang mga oras na lumipas.


Reference/s:
https://cdn-images-1.medium.com/max/1600/1*EqmqWjiR3uzaDYUbeCz7qg.jpeg

No comments:

Post a Comment

Last Blog, Last Quarter!

               School year's almost done! This grading  there were lots of classes interruption but even though there's lots of it w...