Tuesday, December 4, 2018

Bata, Kailangan mo ng Aruga!



Mula pagkabata naitatak na sa ating isipan na tayo ang pag-asa ng bayan. At bago pa man natin mabigyang pag-asa ang ating bayan ay kailangan muna tayong arugain ng ating mga magulang upang mas hubugin pa tayong lalo. Ngunit kung titignan ay di lahat ng bata'y inaalagaan ng tama, may mga batang nagtratrabhao na sa kabila ng kanilang murang edad, mga batang palaboy-laboy sa kalsada't mga batang naadik sa droga. Paano tayo ngayon magiging pag-asa ng ating bayan kung sa simula pa lang ay nawala na tayo ng landas?

Ang ika-26 na selebrasyon ng Natinonal Children's Month ay may temang "Isulong: Tamang Pag-aaruga Para sa Lahat ng Bata" na naglalayong wakasan ang karahasan sa mga bata upang sila'y maging rpoduktibong mamamayan ng atibng bansa. Binigyang diin din ni DSWD Undersecretary Mae Fe Ancheta- Templa na nagpahayag ng mensahe ni Secretary Rolando D. Bautista na patuloy at mas lalo pa nilang pag-iigtingin ang pagbuo ng mas ligtas na kapaligiran para sa kabataan upang mas lalo pa silang mahubog at maprotektahan gamit ang positibong pandidisiplina ng kanilang mga magulang, tagapangalaga't mga guro. Nais ring makamtan ng selebrasyong ito ang madagdagan pa ang kaalaman ng mga magulang kung paano nila i-hahandle o i-eeducate ang kanilang mga anak.

Ang tema ngayong taon ay isa ng tawag o warning upang ating wakasan ang karahasan sa mga bata't arugain sila ng tama. Makikita rito kung gaano kadesperado ang pamahaalan upang mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang mga kabataan at ang ating bayan. Kung kaya nama'y dapat ay magtulong-tulong tayo sa pagbuo ng mas magandang kapaligiran para sa kabataan.

References:
https://pia.gov.ph/news/articles/1014793

No comments:

Post a Comment

Last Blog, Last Quarter!

               School year's almost done! This grading  there were lots of classes interruption but even though there's lots of it w...